DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo! mahilig ka ba sa baby?
Paano na lamang kung nalaman mo na peke pala ang tiyan ng isang buntis?
Isang kakaibang trend kasi ang sumikat sa China kung saan ang mga kabataang babae, kabilang ang mga walang asawa, ay nagbabayad para magpa-photoshoot gamit ang pekeng baby bump.
Ang layunin? Makakuha ng magagandang maternity photos habang nasa kanilang pinakamagandang pisikal na kondisyon, bago pa maranasan ang mga pagbabago sa katawan ng isang tunay na pagbubuntis.
Ang phenomenon na ito ay naging usap-usapan matapos ibahagi ng Gen Z influencer na si Meizi Gege, na nasa kanyang mga twenties, ang kanyang maternity photoshoot kung saan nagsuot siya ng pekeng tiyan.
Dahil dito, maraming kabataang babae sa China ang nahikayat nagawin ito, bago pa nila maranasan ang mga epekto ng tunay na pagbubuntis, tulad ng stretch marks at pagtaas ng timbang.
Matapos ibahagi ni Meizi Gege ang kanyang karanasan, marami pang iba ang nagsabi na nagawa na rin nila ang parehong bagay.