DAGUPAN–Hindi sang -ayon si 4th district congressman Christopher “Toff “de Venecia na magsuot lang ng facemask ang mga tao dahil sa covid 19 pandemic.

Ayon kay de Venecia, puwede ring pumasok sa mata ang covid 19 kaya hindi puwedeng magsuot lang ng facemask dahil ang natatakpan lang dito ay ang ilong at bibig.

Giit niya na dapat protektado din ang mga mata gamit ang face shield para natatakpan lahat sa mukha.

--Ads--

Mababatid na naghain ang mga House leaders ng bagong bill para sa ‘new normal’ na mararanasan ng mga Pinoy dahil sa coronavirus pandemic o COVID-19.

Sa House Bill 6623 o ‘New Normal for the Workplace and Public Spaces Act of 2020′ ang magiging gabay para sa mga Pilipino kapag na-lift na ang enhanced community quarantine.

Ilan sa mga detalyeng nakasaad dito ay ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar.

Maaari namang mabigyan ng fine na P1,000 ang taong walang face mask kapag nasa labas.

Mahigpit na ipatutupad din ang physical distancing na hindi bababa sa isang metro ang layo ng bawat isa na nasa pampublikong lugar.

Kinakailangan din ang pagkakaroon ng handwashing o sanitizing stations at temperature checks sa mga gusali o establisimyento.

Dagdag pa ni De Venecia na kahit pa sabihing sumusunod sa safety protocol ang mga negosyo, ang problema ay kung walang pupunta dahil takot ang taumbayan .

Pangasinan 4th District Congressman Christopher “Toff “de Venecia

Kaya mahalagang magkaroon ng marketing campaign para mainspire o mahikayat ang mga consumer na suportahan ang mga negosyo na tinamaan ng covid 19.