DAGUPAN CITY- Hindi umano naaayon sa klima ng bansang Pilipinas ang pagsusuot ng ASEAN inspired costume bilang bahagi ng uniporme ng mga kaguruan sa bansa dahil sa mga bantang maaaring maidulot nito sa kanilang kalagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Noreen Barber, isang guro, hindi “appropriate” ang pagsusuot ng ASEAN inspired costume dahil sa init ng panahon, at kakulangan sa bentilasyon sa mga paaaralan sa bansa.

Aniya, hindi rin ito magandang bagay para sa mga kaguruang may problema sa kalusugan.

--Ads--

Dagdag niya, maaari ring mawalan ng pokus ang mga guro sa kanilang trabaho at itinuturo dahil sa distraction sa init ng panahon at kanilang kasuotan.

Samantala, hinaing rin ng mga guro ang dagdag gastos para sa pagbili ng nasabing mandatong uniporme para sa mga kaguruan.

Panawagan naman niya sa mga naamamhala na sana ay pag-isipan pang maigi ang bagay na ito at isipin ang ikabubuti ng nakararami.