Dagupan City – Hindi maaprubahan ang isinusulong na divorce law sa bansa hangga’t walang makitang sapat na dahilan ang senado.
Ito ang ibinahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst kaugnay sa tanong ng publiko na kung bakit hindi pa rin aprubado ng saligang batas ang matagal nang inihahain na Divorce law sa bansa.
Aniya, bukod sa hindi makita ang resulta kapag naihain na ang nasabing panukala, ay paiba-iba rin kasi ang nagiging kasagutan ng publiko.
--Ads--
Gaya na lamang ng ginawang survey noon kung saan ay 51% ang sumang-ayon na aprubahan ito ngunit nito lamang taong 2023 ay 53% naman ang hindi sumang-ayon na aprubahan ito.