Walang nakikitang magandang epekto ng Magsasaka Partylist sa pagsuspindi ng rice importation sa loob ng 60 araw.
Ayon kay Argel Cabatbat, Magsasaka, Partylist, sana noon pa napatigil ang rice importation dahil nasa bansa na ang sobra sobrang volume ng imported na bigas.
Gayunpaman na kahit sobra sobra ngayon ang bigas sa bansa ay hindi pa rin mapababa ang presyo ng bigas.
Naniniwala siyang ang pagtigil ng rice importation ay hindi makapagpapataas sa presyo ng palay dahil marami nang umani mula pa noong unang linggo ng Hulyo.
Ang nakakabahala aniya pagkatapos ng 60 araw na pag suspindi, baka magbabagsak naman ang mga imnporter ng napakaraming imported na bigas kaya mababalewala lang ang ipinatupad na suspension.
Bagamat maganda ang layunin ng gobyerno na protektahan ang mga magsasaka, ay hindi dapat na temporary solution ang gagawin.
Nanawagan sila sa pangulo at gayundin sa mga nakaupong senador at kongresista na pakinggan ang hinaing ng mga magsasaka upang maisalba sila sa pagkalugi.