DAGUPAN CITY- Hindi pa kabilang sa kasalukuyang batas ang pagsuspinde sa sahod ng mga mambabatas na hindi na dumadalo sa bawat sesyon o pagdinig.

Ayon kay Atty. Dominick Abril, Legal & Political Consultant, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, matagal man nang hindi nasisilayan si Sen. Dela Rosa subalit, walang legal na batayan upang suspendihin ang pasahod nito.

Natutunugan mang ipapabilang na sa internal rules ng senado ang pag-postpone sa pasahod ng mga kasing katulad na kaso subalit, kinakailangan pa itong pag-aralanan nang mabuti upang matiyak na walang nalalabag na batas.

--Ads--

Gayunman, binigyan diin nito na kinakailangan ng mga mambabatas na pisikal na daluhan ang bawat sesyon.

Giit pa ni Abril, dapat lamang itong dumalo sa senado bilang bahagi ng tungkulin nito.

Hindi pa naman din aniya nakikita ang arrest warrant na inihain laban sa senador.