Dapat tutukan ng susunod na kalihim ng Department of Agriculture ang pagsuporta sa mga local producers sa bansa.
Ito ang naging suhestiyon ni Samahang Industriya ng Agrikultura Chairman Rosendo So sa bagong itatalagang kalahim ng naturang departamento ng gobyerno kaugnay na rin sa ginawang paghahain ng courtesy resignation ni Agriculture Secretary Manny Pinol.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni So na kung mataas ang inputs sa pagbili ng fertilizer ay dapat magkaroon ng fertilizer subsidy kagaya ng ginawa noong panahaon ni dating Agri Sec. Arthur Yap na siyang lubos na nakatulong sa mga magsasaka sa bansa.
Samantala, naniniwala naman si So na maaaring may nakitang pagkakamali o problemang nagawa si Pinol kaya ito naghain ng courtesy resignation.
Ayon kay So, posibleng nagkulang si Pinol sa pagbibigay ng suporta sa local production at mas pinagtuunan ng pansin ang walang humpay na pag-aangkat ng mga agricultural products na kaya naman ng Pilipinas.