Dagupan City – Tinitiyak ng Commission on Elections Malasiqui na ang lahat ng mga kandidato sa darating na May 2025 Election ay magiging pamilyar sa mga alituntunin ng Election propaganda at campaign finance.
Ayon kay Jenette Hernandez, Election Officer IV ng Malasiqui Comelec, isang Candidates Forum ang isinagawa kung saan ipinaliwanag sa mga kandidato ang mga patakaran at regulasyon sa pangangampanya, kabilang na ang mga bawal at pinapayagang gawain sa campaign period.
Ito ay parte ng kanilang information dissemination tungkol sa mga resolusyon na ibinababa sakanila ng Provincial Comelec.
Ito ay upang tiyakin na lahat sila ay sumusunod sa mga alituntunin, kasama na ang mga aspetong may kinalaman sa tamang paggamit ng pondo at media sa pangangampanya.
Aniya na binibigyan ng kopya ang mga bawat kandidato upang malaman ang kanilang mga kakailangan pagdating ng kampanya kabilang na rito ang pagbibgay alam sa kanila sa mga alituntunin ng Comelec.
Bilang bahagi ng transparency at tamang proseso, sinabi ni Hernandez na makikilahok ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at iba pang stakeholders sa mga aktibidad tulad ng final testing at sealing ng mga voting machines bago at matapos ang eleksyon.
Sa kasalukuyan, nakapagtala ang Malasiqui ng 89,906 rehistradong botante at 28 kandidato—4 para sa pagka-Mayor, 3 para sa Vice Mayor, at 21 para sa Municipal Councilor—na nakatakdang makilahok sa pinakamalaking halalan sa bayan ngayong taon.