Tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan ang pagprotekta sa mga karapatan ng mamimili at gayundin ang monitoring sa abwat estbaliyemento and business owners sa pamamagitan ng mga batas at programa ng kanilang tangga

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Natalia Dalaten, Provincial Director at Officer in Charge – Assistant Regional Director Department of Trade and Industry Region 1 na nasa 1,083 na ang kanilang naikutan at namonitor na mga business enterprises at 20 naman ang naisyuhan nila ng notice of violation na kung saan ay mayroong silang nalabag pagdating sa standard laws, sales promo, service and repair shop at iba pang mga violation na kanilang Nakita.

Bukod dito ay mayroon din silang mga nakumpiska na mga produktong hindi naayon sa mga standard na ipinapatupad ng tanggapan.

--Ads--

Sa kabila naman nito anya ay sumusunod naman lahat ng mga business enterprises dito sa probinsya ng Pangasinan ukol sa Fair and trade laws na ipinapatupad.

Samantala, base naman sa tala ng kanilang tanggapan na mas marami pa rin ang kanilang natatanggap na reklamo sa mga bumibili online, gaya na lamang ng mislabeling, mga depektipong produkto at iba pa.