BOMBO DAGUPANSolusyon umano sa krisis ng pagkain sa bansa ang pagsulong ng Rice Industry Development Act.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, ang panukalang ito ay nananawagan ng P495 billion para sa implementasyon kung saan ang 5 years bulk nito ay ilalaan sa sabsidiya para sa mga magsasaka.

May malaking parte aniya sa budget ang National Food Authority upang mabili nito ang mga lokal na palay.

--Ads--

Kaugnay nito, binibigyan nito ng kasiguraduhan ang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado. Gayundin, sa pagpapabuti ng post-harvest facilities ng mga magsasaka.

Sinabi ni Estavillo, na ang pangunahing layunin ng RIDA ang pagpapalakas ng lokal na produksyon ng mga magsasaka ng bansa.

Sa oras din na maimplementa ito ay ipagbabawal din umano ang importasyon ng mga produktong bigas.

Samantala, nagkaroon na ito ng ilang paglapit sa mga senador na bukas makinig sa kalagayan ng mga magsasaka.

Subalit, hanggang sa ngayon ay wala pang nauumpisahang counter bill nito.