Naging maayos ang pagsisimula ng face to face classes sa ilang mga paaralan sa lungsod ng Dagupan.

Sa pahayag ni Ma. Rita Teresa V. Riñoza ang siyang Principal ng West Central Elementary School 1 na kahit pa naging marami ang bilang ng mga estudyante sa kanilang paaralan na umabot sa dalawang libo ay tiniyak naman nito na mayroong sapat na mga protocols na kanilang ipinatutupad.

Kinakailangan umanong nakasuot ng face mask ang lahat ng papasok sa paaralan at sinisiguro ring chinecheck ang temperatura ang lahat ng mga papasok sa paaralan.

--Ads--

Mayroon din aniyang scheduling sa flag ceremony upang maiwasan ang kumpulan ng mga tao at aniya nasa 30-35 na mga estudyante lamang ang pinapayagan sa bawat classroom.

Dagdag pa nito na lahat ng mga guro maging ang mga non teaching personnels ay pawang bakunado kung kaya’t walang dapat ipag-aalala ang mga magulang hinggil sa pagpapatupad ng face to face classes.

TINIG NI MA. RITA RIÑOZA

Paglilinaw nito na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagtanggap ng mga enrollees at kahit hindi bakunado ay kanila itong tatanggapin.