DAGUPAN CITY- Labis na pinagtatakahan ng mga magsasaka ang biglaang pagtaas ng presyo ng sibuyas sa merkado sa kabila ng mababang farmgate nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jayson Cainglet, Executive Director ng Samahang Industriya ng Agrikuktura, tunay na nakagugulat ang biglaang pagsipa sa presyo ng sibuyas sa kabila ng masaganang ani ng mga local farmers sa bansa.

Aniya, tuloy-tuloy ang pagdausdos ng farmgate ng nasabing produkto ngunit tumataas ang presyo nito sa merkado.

--Ads--

Isa umano ang pag-aangkat ng imported na sibuyas mula sa ibang bansa ang ilan sa mga itinuturong dahilan.

Hindi rin makapagpasok ang mga local farmers ng kanilang produktong sibuyas sa cold storage dahil punong-puno ito.

Dagdag niya, hindi talaga mawawala ang pangamba ng karamihan dahil sa mga nangyayari sa ating bansa, lalong lalo na sa sektor ng agrikultura.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang kanilang grupo sa Department Trade and Industry (DTI) upang maayos ang presyuhan ng karne ng baboy.

Marami rin aniyang mga salik na dapat isaalang-alang upang maging maayos ang presyo nito.