Dagupan City – Natugunan na ang matagal nang kahilingan ng mga residente sa Sitio Arwas, Brgy. Poblacion East sa bayan ng San Nicolas ang pagpapasemento ng Mabini Extension.

Kung kaya’t nabuo ang isang proyekto sa ilalim ng Development Fund ng lokal na pamahalaan ng bayan at agad na ininspeksyon ang dating maalikabok at mabatong kalsada na ngayon ay naganap nang sementado.

Ito ay may habang nasa 189 metro at lapad na nasa 3.2 metro.

--Ads--

Ayon sa lokal na pamahalaan, nakikita ito bilang daan sa pagpapabilis na daloy ng transportasyon at ligtas na biyahe ng mga residente.

Dagdag pa rito, magiging malaki rin ang papel nito sa transportasyon ng produktong agrikultural mula sa bukirin patungo sa pamilihang bayan, na may layuning palakasin ang lokal na ekonomiya.