Abala sa paghahanda at pagluluto ng mga pagkain ang mga residente sa bansang Oman kaugnay sa pagseselebra ng Ramadan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rubella Sabandal Formentera -Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa lahat ng mga kailangan para sa nasabing selebrasyon doon ay inihahanda na.

Bukod dito lahat din ng mga gagamitin aniya ay mga bagong bili dahil napakaimportante ng tradisyong ito para sakanila.

--Ads--

Hindi naman mawawala ang paghahanda ng sambosa kung saan hindi ito nawawala tuwing ramadan.

Nakagawain na din ang pagfafasting subalit ayon kay Ma’am Rubella ay hindi naman sapilitan itong ipinapagawa sakanila bagkus ay iginagalang aniya ng kaniyang amo ang kaniyang pagiging kristiyano.

Samantala, ibinahagi pa nito na pagkatapos naman ng ramadan ay nakakatanggap sila ng hadiyah o regalo mula sa mga ito.

Kaya’t kahit papaano ay natutuwa siya dahil aniya ay malaki ang kaniyang naiipon.