DAGUPAN CITY- Makakatulong umano ang imprimatur mula sa Malakanyang para tuluyan nang maisabatas ang Anti-Political Dynasty Bill sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, Consistutional Law Expert/ Political Analyst, ang pagkakaroon ng sertipikasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing ‘urgent’ ang naturang bill ay maaaring mapabilis pa ang mga proseso o di naman ay magkaroon ng ‘shortcut’.
Aniya, magkakaroon pa ng linaw kung ano ang sakop nito kapag pag-uusapan na sa loob ng senado at kongreso bago ito tuluyan maging batas.
Dito na aniya makikita ang magiging epekto nito sa mga senado at kongresista na produkto ng Political Dynasty.
Gayunpaman, apektado rin ang mga politikong ‘incorruptible’ na bahagi ng Political Dynasty, katulad na lamang ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Vice versa, magbibigay rin ng opportunity kay Mayor Sotto na ma-disqualify ang ilang ‘well in trends’ na politiko.
Mabibigyan naman ng pagkakataon ang mga bagong apelyido at politikong may bagong pananaw.
Dagdag pa niya, malaking bagay din ang partisipasyon ng mga nasa mababang pwesto katuwang ang kanilang kongresista upang mas mapabilis ang pagsasabatas nito.
Samantala, nakikita ni Atty. Cera na isang magandang bagay na ang mismong pangulo mismo ang may interes na baguhin ang ‘political landscape’.
Hindi rin aniya siya naniniwala na isa itong ‘political stunt’ dahil maliban sa nasabing bill, may iba pang malalaking batas na minamadali ng pangulo.










