Dagupan City – Sa pamamagitan umano ng Proclamation No. 597, tuluyan nang idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ika-17 hanggang ika-23 ng Hulyo bawat taon bilang “National Disability Rights Week.”
Ang panukala ay sa ilalim rin ng nasabing eksaminasyon kung saan ay inaatasan ang Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng National Council on Disability Affairs (NCDA), na pamunuan at pangasiwaan ang “National Disability Rights Week.”. Ang deklarasyon ay pakikiisa ng bansa sa United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities (UNCRPD).
Layunin nito na maisulong at mapataas ang kamalayan ukol sa mga karapatan ng mga Person’s with Disabilities sa bansa.
--Ads--