DAGUPAN CITY- Noong Disyembre 1, ipinatupad ng Lokal na Pamahalaan ng Rosales ang pagpapasara sa operasyon ng PrimeWater Rosales matapos mapag-alamang nabigo itong tumupad sa mga itinakdang obligasyon at pamantayan sa pagbibigay ng serbisyong tubig.
Ang hakbang ay isinagawa bilang tugon sa matagal nang isyu sa serbisyo ng tubig sa bayan na tinugunan ng lokal na pamahalaan.
Maraming residente ang apektado ng operasyon ng PrimeWater.
Kabilang si Nanay Mercy Pine, na nakaranas ng ilang araw na madilim at maruming tubig na nakaapekto sa pang-araw-araw na gawain ng kanilang pamilya.
Samantala, nakaranas si Nanay Josephine ng biglaang pagtaas ng kanyang bill sa tubig.
Karaniwang apat na raan pesos lamang ang kanyang binabayaran kada buwan, ngunit umabot ito sa walong raan sa panahon ng operasyon ng PrimeWater.
Upang makatipid, gumagamit siya ng gripo at poso sa paghuhugas at paglaba para hindi maubos ang tubig mula sa PrimeWater.
May mga pagkakataon pa rin na sisindihan nila ang tubig at ilalagay sa timba upang maubos ang dumi, umaasang lilinaw ito kalaunan.
Ayon sa kanya, halos lahat ng residente sa kanilang barangay ay nagreklamo sa serbisyo, kaya’t pabor sila sa hakbang ng lokal na pamahalaan na ipasara ang PrimeWater at maglaan ng mas maayos at maaasahang serbisyo sa bayan.










