BOMBO DAGUPAN – Tinalakay sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang proposed provincial Ordinance no.60-2024 ang ordinansa na nagbabawal sa bawat indibiduwal, grupo at business establishment na kukuha ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4PS cash card, 4Ps Identification card o oath of commitment kapalit ng pagbibigay ng pera.

Sinasabi sa ordinansa na may kaakibat na penalty ang sinumang mahuhuling pagsasanglaan ng mga benipisyaryo.

Ang ordinansa ay ini akda ni Sangguniang Panlalawigan member Rosary Gracia Perez-Tababa.

--Ads--

Sa ginanap na 75th Regular session ng 11th Sangguniang Panlalawigan sa session hall sa Capitol Building sa bayan ng Lingayen, sinabi ni Vice governor Mark Ronald Lambino, presiding officer ng SP, ang problema ay pinagsasamantalahan ang mga 4ps benificiaries na magsasangla sa kanila ng kanilang ATM at para mabawi ay kailangan na magbayad ng malaking interest.

BInigyang diin ni Lambino na nagiging anti poor ang gawaing ito imbes na makatulong ay mas nababaon sa hirap ang mga membro.

Bagamat ang iba ay nais lamang makatulong pero mas marami aniya ang nagsasamantala.

Kaya ninanais ng bise gobernador na kailangan itong matigil sa pamamagitan ng monitoring.

Malaking hamon umano sa mga national gobvernment agency na magsagawa ng monitoring at dagdag en forcement pagdating sa mga programa na tumutulong at nagbibigay ng subsidy sa mga mahihirap na kababayan