BOMBO DAGUPAN – Umani ng positibong reaksyon sa hanay ng True Colors Coalition ang pagsasalegal ng same-sex marriage sa bansang Thailand.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jhay de Jesus, Spokeperson True Colors Coalition, sinabi nito na aabangan pa ang kahihinatnan ng nasabing batas dahil matapos maipasa ng mga legislatos ay hihintayin naman ang pag indorso ng kanilang hari na si King Maha Vajiralongkor para sa formality ng batas.

Ani de Jesus, masaya ang LGBTQA dahil mayroon na ganitong pagkilala at inasahan na matamasa ang oportunidad at parehong karapatan ng mga mag asawa.

--Ads--

Umaasa naman siya na kikilalanin din sa bansang PIlipinas ang karapatan ng mga LGBTQA couple.

Naniniwala siya na seryoso ang mga ito sa sinumpaang pangako sa isat isa.

Matatandaan na sa botong may 130 na pagpabor, at 18 na abstention sa upper senate, lumabas na pabor ang Thailand para sa pagbabago ng marriage law sa bansa.

Dahil dito, ang Thailand ang kauna-unahang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) country na kumikilala sa same-sex marriage bilang legal na batas.