DAGUPAN, CITY— Kasalukuyan nang naka-isolate at isinasagawa na rin ng bayan ng Lingayen ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pitong pulis na kabilang sa 15 mga kawani ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) na naitalang nagpositibo sa COVID-19 noong nakaraang linggo.

Ito ay kasunod na rin ng malaman ang resulta ng isinagawang swab test ng Provincial Health Office (PHO) Pangasinan sa mass testing sa 1,900 na PPO personnels.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, sinabi nito na mahigpit na nilang binabantayan sa kanilang quarantine facilities ang mga miyembro ng PPO na naitalang nagpositibo sa naturang sakit.

--Ads--

Nanawagan din ito sa publiko na pairalin ang disiplina na siya umanong mainam na paraan upang maiwasan ang tuloy-tuloy na pagkalat ng virus.

Kabilang aniya sa mga dapat gawin ng publiko ang pananatili lamang sa kanilang tahanan kung wala namang importanteng gagawin, pagpapanatili ng kalinisan sa katawan, wastong pagsusuot ng facemask, pag-iwas sa maraming tao, disinfection ag paglilinis sa kapaligiran, at pagtiyak na malinis ang mga kinakain.

Dagdag pa ni Mayor Bataoil na iwasan ang diskriminasyon sa mga indibidwal na natutuklasang nagpositibo sa COVID-19.