DAGUPAN CITY- Sinamantala ng PAMANA Water District ang pagsasaayos at pagsasagawa ng mga kakalsadahan sa syudad ng Dagupan upang isaayos din ang mga linya ng tubig.

Ayon kay Marge Navata, Spokesperson ng PAMANA Water Dagupan City, layunin nito ang pag-upgrade ng mga pipeline ng tubig.

Maliban pa riyan, sa patuloy ang kanilang pagsasaayos dahil may nadiskubre rin silang leak.

--Ads--

Aniya, kabilang sa mga lugar na kanilang aayusin ay ang Brgy. Tapuac, Caranglaan, Herrero, Perez, at dalawa naman sa Brgy. Pogo Chico sa mga bahagi ng Rizal extension at Zamora extension.

Sinabi pa ni Navata na ang mga naturang pagsasaayos ay hindi dahil sa epekto ng nagdaang bagyo at aniya, walang napinsala sa kanilang nasasakupan.

Samantala, may mga pag-abiso naman ang Pamana water Dagupan city sa mga aktibidad na kanilang isinasagwa gayundin kung may mga water interruption na mararanasan.