DAGUPAN CITY- Malapit na rin matapos ang ginagawang kalsada sa Barangay Poblacion Oeste, sa syudad ng Dagupan dahil sa patuloy na konstruksyon.

‎Sa kasalukuyan, ayon kay Brgy. Captain Macmac Gutierrez, tinatayang nasa 15 hanggang 20 metro na lamang ang bahagi ng kalsadang patuloy na kinokompleto. Bahagi ito ng proyektong inilunsad matapos ang matinding epekto ng pagbaha na dulot ng mga nagdaang bagyo sa nasabing barangay.

Kabilang sa mga naitalang isyu sa konstruksyon ay ang hindi pagkakakonekta ng drainage system ng bagong kalsada sa pangunahing drainage line ng lungsod.

Agad naman itong iniulat ng pamunuan ng barangay sa City Engineering Office.

Kaagad na nagpadala ng team ang engineering office upang ayusin ang nasabing isyu at tiyaking maayos ang daloy ng tubig sa mga kanal.

--Ads--

Layon ng pamunuan ng barangay na masiguro ang kalidad ng proyekto upang hindi na ito maging sanhi ng karagdagang problema.

Ayon sa barangay, inaasahang malaking tulong ang pagkonstruksyon ng kalsada maging ang dakuyan ng tubig sa barangay kontra sa nga pagbaha.