Tinututukan ang patuloy na pagpapabuti ng mga kalsada sa bayan ng Mapandan, Pangasinan upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kaginhawahan ng biyahe ng bawat mamamayan at bisita.

Bahagi ito ng mas malawak na layunin na gawing mas episyente at maayos ang daloy ng trapiko, at mas mapadali ang transportasyon sa mga barangay.

Kamakailan ay sinimulan ang pagsasaayos at pag-aaspalto sa mga lubak-lubak at sira-sirang bahagi ng kalsada sa kahabaan ng Barangay Nilombot.

--Ads--

Ang proyektong ito ay hakbangin upang matugunan ang mga hinaing ng mga motorista at residente ukol sa hindi pantay at delikadong lansangan.

Sa pamamagitan ng bagong aspalto, inaasahang magiging mas mabilis, mas maayos, at mas ligtas ang biyahe ng lahat ng dumaraan sa lugar.

Nagpahayag ng pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Mapandan sa pamumuno ng LGU sa mabilis na pagtugon ng pamahalang panlalawigan sa kahilingan ng lokal na pamahalaan na pinangungunahan.

Inihayag din na susunod na isasagawa ang pag-aaspalto sa mga pangunahing lansangan mula Barangay Torres hanggang Barangay Primicias, bilang bahagi ng sunod-sunod na proyektong pang-imprastraktura ng bayan.