DAGUPAN CITY- Buong tanggap ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines ang kautusan ng Ombudsman sa pagsampa ng kasong graft at falsification sa procurement laban kay dating Education Sec. Leonor Briones subalit, ito ay long-over due na.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladimer Quetua, Chairperson ng nasabing grupo, kanilang ikinagagalit ang hindi agarang pag-tugon sa matagal nang panawagang ito dahil bagaman kinakailangan nila ang magandang laptop para makipagsabayan sa Online Class Set-up noong panahon ng pandemya, subalit, hindi kagandahang model ang kanilang natanggap.
Aniya, nauwi lamang sila sa pag-abono ng sarili nilang laptop na may kalidad gamit ang halos dalawang buwan nilang sahod.
Ang kanilang natanggap kase mula sa DepEd ay hindi umano naaayon sa nasabing presyo ang mababang performance ng specifications o specs nito at halos hindi nila ito magamit.
Giit ni Quetua, ‘deserve’ na makasuhan si Briones dahil tila balewala lamang ang kanilang mga panawagan nang maupo ito bilang kalihim ng edukasyon.
Naapektuhan din kase nito ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) at nagagatasan lamang.
Maliban pa sa isyu ng mga laptop, nagkaroon din ng isyu sa paggasta ng DepEd sa mga mamahaling camera.