Ikinatuwa ng PNP Pangasinan ang pagiging generally peacefull sa lalawigan ng Pangasinan nitong nakaraang pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay police captain Arturo Melchor Jr., tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), bagamat may mga naitalang insidente ay mga isolated case lamang ito.
Kung ikukumpara aniya ang datos noong nakaraang taon ay mababa ang naitalang indescriminate firing nitong pagsalubong ng taong 2021. Nasampahan na aniya ang security guard na nagsagawa nito noong December 18 sa bayan ng Mangatarem.
Bagamat apat umano ang biktima ng ligaw na bala, napag alaman na dalawa rito ay self accident.
Lumiit din ang bilang ng mga nahuling illegal na paputok dahil sa pandemya.
Isa sa nakikita niyang dahilan ng pagbaba ng bilang ay dahil nakinig ang mga tao sa panawagan ng PNP, ng DOH at iba pang ahensya upang maiwasan ang mga sakuna.
Giit ng opisyal, dahil na din sa pagiging alerto ng mga kapulisan kasama ang maigting na koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at maging ang kooperasyon ng mga residente kayat naabot nila ang ganitong estado.
Samantala, bahagyang tumaas naman ang vehiccular accident mula December 25 hanggang December 31.
Sinabi ni Melchor na bagamat may mga naitalang vehicullar incident kung ikukumpara noong nakaraang taon ay maliit lamang ito ngayon.