DAGUPAN CITY- Hindi nalalayo sa Pilipinas ang isinasagawang paraan ng mga mamamayan ng Norway upang salubungin ang bagong taon.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Margie Baclayon Moncal, Bombo International News Correspondent sa bansang Norway, tahimik ang bansa at walang masyadong kaganapan at hindi gaanong kaingay tulad ng Pilipinas.

Subalit, may pagkakahalintulad ang pagsalubong ng bagong taon ang mga mamamayan ng Norway sa mga Pilipino kung saan nagkakaroon ng pagtitipon at salu-salo, depende na nakadepende sa pamilya.

--Ads--

Dagdag niya, pagpatak ng alas dose ay nagsisilabasan ang mga tao kanilang mga tahanan upang manood ng Fireworks display.

Tradisyon na rin ng mga tao roon na salubungin ang bagong taon sa eksaktong oras nito at naka standby na rin ang Fire Dapartment sa kaniya-kaniyang lugar kung sakaling magkaroon man ng sunog.

Nagkakaroon din ng live speech ang Hari ng Norway sa pagsapit ng alas dose at tinatalakay ang mga mahahalagang bagay na nangyari sa buong taon.

Nagkakaroon na rin ng mga alternatibo sa mga fireworks display tulad ng mga drones at mga ilaw.