DAGUPAN CITY- May mga pagkakaiba at pagkakahalintulad ang Pilipinas at Finland sa pamamaraan ng pagsalubong ng bagong taon

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mhaye Blacer Fajanela, Bombo International News Correspondent sa bansang Finland, tahimik ang bansang Finland sa mga nakaraang araw, kung saan walang masyadong mga tao sa kalsada at pinipili na lamang ng mga tao roon na magpahinga sa kaniya-kaniyang mga bahay.

Aniya, may mga nagbebenta na rin ng mga paptutok ngunit limitado lamang ang maaaring bilhin ng mga tao, hindi tulad na Pilipinas na bultuhan kung bumili.

--Ads--

Dagdag niya, mahal rin ang bentahan ng mga paputok kung saan naglalaro sa 400 na piso ang isang basic na paputok at maaari lamang gamitin ito sa mga takdang oras at araw.

Isa umano itong hakbang ng gobyerno ng Finland upang kontrolin ang bentahan nito.

Nagkakaroon din ng fireworks display sa mga lungsod ng kanilang bansa upang salubungin ang bagong taon.

Iba rin ang pamamaraan ng pagsalubong ng bagong taon sa Pilipinas at Finland pagdating sa mga handaan at kung sino ang kasama sa pagsalubong.

May mga paniniwala rin ang mga mamamayan ng Finland pagdating sa kapalaran at swerte.