Dagupan City – Dapat ikonsidera ng Pilipinas ang pagsali sa International Criminal Court (ICC).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominic Abril, Legal/Political Consultant, obligasyon kasi ng bansa na makipag-participate sa mga batas na nakasaad sa inernational forum kahit pa hindi na nasa ilalim ng ICC ang Pilipinas.

Ipinaliwanag naman ni Abril na ang ICC ay isang international forum na nagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng human rights at naghahain din ng paglilitis sa mga responsable sa paglabag sa karapatang pantao.

--Ads--

Matatandaan na hinikayat kamakailan ni Senate Minority leader Koko Pimentel si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suriing muli ang posisyon sa International Criminal Court (ICC) at ikonsidera ang muling pagsali sa international tribunal.

Ngunit nauna nang nanindigan si Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin “Boying” Remulla noong pebrero na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas at ang pagkalas ng bansa sa ICC noong 2019 ay nagpapakita umanong sinisiguro ng pamahalaan ang pagsusulong ng soberanya ng Pilipinas at pagpapanatili ng integridad ng justice system ng bansa.