DAGUPAN CITY – Tila napupolitika pa rin ang reaksyon ng mga mamamayan sa Estados Unidos tungkol sa pagsalakay kamakailan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Mar-a-Lago estate ni dating US President Donald Trump.
Ayon kay Bombo International Correspondent Isidro Madamba Jr. mula sa California, USA, ang pagsalakay ng FBI sa bahay ni dating US Presidentsa panig ng republican ito ay maituturing na paggamit umano ng democrats ng kapangyarihan para maimpluwensiyahan ang FBI at maging ang Department of Justice para hindi maisakatuparan ni Trump ang pagtakbo nito sa 2024 elections.
Aniya, sa panig naman umano ng demcrats, ito umano ay bahagi lamang ng imbestigasyon mula sa mga nakaraang kaso sa eleksyon noong 2020 gaya nalamang ng criminal charges at civil action sa Texas.
Dumaan naman umano ito sa legal na proseso ang naturang search warrant at may subpoena rin na nakuha bago ito isagawa.
Ngunit batay umano sa ginawang aksyon ng FBI, sa pagkuha ng 15 kahon na naglalaman ng klasipikadong dokumento at talaan mula sa bahay ni Trump, ito ay maituturing na paglabag sa Presidential Records Act na nakasaad na anumang mga files ng mga presidente ay maituturing na archive o hindi na maaring halughugin pa.
Matatandaang matapos ang naturang insidente, inihayag ni Trump ang kanyang pagkadismaya sa ginawa ng FBI at tinawag itong “darkest times” para sa justice system ng US.