Bagamat patapos na ang buwan ng Marso bilang prevention month ay patuloy pa rin ang panawagan at nag pagpapaalala ng Bureau of Fire Protection o BFP Region 1 sa publiko sa pag-iingat at pag-iwas sa sunog Lalo na ngayong mainit na panahon.

Sa isinagawang kapihan sa Ilocos Region 1, isinaad ni FSInsp. Atty. Benrae Valmonte, Public Information Officer ng BFP Region 1 na nagkaroon ng deklarasyon ng Fire Prevention month tuwing buwan ng Marso dahil dito nagsisimula ang mga mayroong naitatalang mga sunog.

Aniya na mahalaga ang mayroong kaalaman pagdating sa pag-iwas sa mga sunog at dapat ito ay magsisimula sa ating mga sarili alang alang sa kaligtasan ng bawat isa.

--Ads--

Base naman sa kanilang obserbasyon dito sa rehiyon uno na maayos naman ang implementasyon sa mga iba’t ibang klase ng fire prevention dahil kung ikukumpra ito sa mga nagdaang taon noong March 2023 sy nakapagtala ng 153 fire incidents, 112 noong March 2024 at ngayong buwan ng Marso taong kasalukuyan ay nakapagtala ng 76 na kaso at base ito sa latest na report ng kanilang tanggapan na kung saan ay pababa ng pababa ang mga naitatala tuwing buwan ng marso.

Kaya naman isa sa kanilang panawagan ay ang patuloy na pakikipagtulungan ng publiko sa kanilang mga ibinabahaging paalala upang makaiwas sa sunog at mahalaga ang pag-iingat ng lahat Lalo na ngayong mainit na panahon.