Karamihan o hindi lahat ng mga kababaihan ay alam na maaari nilang iretain ang kanilang maiden name kapag magpapakasal.
Ayon kay Atty. Charisse C. Victorio hindi mandatory o walang duty ang isang babae na gamitin ang surname ng kaniyang asawa at nakasaad sa jurisprudence na may option ang mga ito na hindi gamitin ang apelyido ng mapapangasawa.
Aniya na bukod dito ay pwede ding hindi idrop ang family at i-add na lamang ang surname ng asawang lalaki.
Bagama’t ay tradisyunal na sa mga Pilipino na gamitin ang apelyido ng asawang lalaki ay nasa pag-uusap parin ng mag-asawa kung ano ang kanilang magiging desisyon.
Marahil ang iba ay may kani-kanilang dahilan kung ano ang mas nanaisin nilang gamitin.
Halimbawa na lamang kung mas kilala ang babae gamit ang kaniyang maiden name lalo na at matrabaho sa mga dokumento kung papalitan pa ang mga ito.
Maaari ding ibalik ang apelyido ng babae subalit may mga special laws na naglilimita sa mga kababaihan na gawin ito depende sa hakbangin na isasagawa.