Taong 2022 nang magsimulang magrecycle ang bayan ng Basista ng mga campaign materials upang gawin itong produkto at maari pang mapakinabangan.
Ayon kay ellie Gadia Saldivar Solid Waste Management Officer sa nasabing bayan ang mga nabaklas ng mga tarpaulins ay inisipan ng paraan kung paano magagawan ng produkto at hindi basta basta na lamang itatapon.
Aniya ay ginagawa nila itong ecobag na pwedeng gamiting pamalengke.
Bukod dito ay ginagawa din nila itong bag, pencil case at wallet na ibinigay sa mga estudyante noong brigada eskwela.
Habang noong Mother’s day naman ay ipinamigay din nila ito sa mga nanay.
Sa kabuuan ay nakakolekta sila ng higit sa 1200 kg ng mga campaign materials kung saan 500 kg dito ang maaring irecycle, higit 400 kg naman ang itatapon sa landfill habang higit 300 kg naman ang ipinamigay sa mga kabahayan.
Buong suporta naman ang kanilang mga lider at kababayan sa inisyatibang ito at tulong-tulong din sila sa isinagawang clean-up drive.
Samantala, bagama’t malaking tulong ang ganitong gawain subalit aniya ay band aid solution lamang ito at kung maaari ay mas mainam ang reduction.
Kaya’t dapat na mapag-isipan ang polisiya na mag-eliminate ng campaign materials dahil maaari naman ng mangampanya online gayundin upang mabawasan ang paggenerate ng mga basura.