Napapanahon na upang rebisahin ng gobyerno ang matataas na buwis sa mga produktong petrolyo sapagkat hindi naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa.

Ito ang iginiit ni Mody Floranda, ang National President ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) kaugnay sa ika-anim na beses na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo mula nang magsimula ang taong 2024.


Malaki kasi aniya ang epekto nito sa kabuhayan ng mga drayber at operators dahil malaki ang nababawas sa kanilang kinikita.

--Ads--

Gayunpaman, wala namang plano ang kanilang hanay na magtaas ng pamasahe dahil ikonokonsidera din nila ang kalagayan ng mga komyuter na direkta ring apektado ng pagtaas ng presyo ng nasabing produkto.

Base naman aniya sa paliwanag ng Department of Energy (DOE), ang dahilan ng serye ng pagtaas ay may kaugnayan sa pagbabawas ng suplay ng krudo sa bansa.