Welcome sa Federation of Free Farmers ang pagratipika ng senado sa panukalang amienda sa Rice Tarrification Law.

Ayon kay Leonardo Montemayor, Chairman, Federation of Free Farmers sa naging panayam ng bombo radyo Dagupan, ito ay isang napakahalagang hakbang na ginawa para matulongan ang mga magsasaka.

Nakapaloob dito na sa kabuoang P30 billion na pondo, P9 billion ang ilalaan sa procurement ng mga makinarya kung saan mismong magsasaka ang pipili ng farm equipment.

--Ads--

May nakalaan din P6 billion para sa pananaliksik at development gayundin sa pamamahagi ng high quality na uri ng palay at ang P15 billion ay ipapaubaya na sa pangulo at sa kagawaran kung paano ang paggamit dito.

Inaasahan din na mabawasan ang interest rates, madagdagan ang pagsasanay sa makabagong paraan ng pagsasaka at maraming iba pa.

Sa ngayon ay mahal pa ang bigas mapaimported o lokal kuing saan ay nabibili pa sa halagang P50 pataas.

BInigyang diin ni Montemayor na marami pang dapat gawin para maging abot kaya ang bigas sa pamamagitan ng pagpapalago pa ng local production.