Aminado si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na maaaring matalo ang Ukraine sa Russia kung mawawalan sila ng pondo mula sa Washington, sa Estados Unidos.

Anya, mahalaga sa pagkakaisa sa Europa ang ugnayan ng Ukraine at Estados Unidos.

Gayunpaman, patuloy pa rin silang lalaban gamit ang sarili nilang produksyon kahit pa hindi ito sapat para makaligtas sa Russia.

--Ads--

Naniniwala naman si Zelensky na maiimpluwensyahan ni Trump si Russian President Vladymyr Putin na wakasan ang gyera dahil mas mahina ito kumpara sa Estados Unidos.

Matatandaan naman na kabilang sa pangangampanya ni US President-elect Donald Trump ang pagwawakas ng gyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Marami rin na mga Republikano na gustong mapondondohan ng mga taxpayer ng Estados Unidos para mapatigil ang Ukraine.

Maging si Senator JD Vance, ang bise presidente ni Trump, na hindi sang-ayon sa pagsuporta sa Ukraine.