DAGUPAN CITY – inihayag ni US president Donald Trump na may magandang pagkakataon na maaari siyang makipagpulong sa mga lider ng Russia at Ukraine sa lalong madaling panahon para sa personal na pag-uusap ukol sa pagtatapos ng digmaan sa Ukraine.
Sinabi ni Trump na ang pag-uusap sa Moscow sa pagitan ng kanyang sugo at ni Pangulong Vladimir Putin ng Russia ay naging lubos na produktibo.
Nang tanungin kung sina Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine at Putin ay pumayag na sa ganitong pagpupulong, sinabi ni Trump na mayroong napakagandang posibilidad ngunit hindi siya nagbigay ng karagdagang detalye.
Naitanong din kung may inialok si Putin kapalit ng pagpupulong, ngunit walang ibinigay na partikular na impormasyon si Trump at sinabi lamang na nagkaroon kami ng napaka-produktibong pag-uusap .
Nauna rito ay naglabas ang Kremlin ng malabong pahayag hinggil sa naging usapan nina Putin at Steve Witkoff.
Ayon sa isang tagapayo sa patakarang panlabas, nagpalitan daw ng mga senyales ang dalawang panig bilang bahagi ng makabuluhang usapan sa Moscow.
Ang pagpupulong ay naganap ilang araw bago ang itinakdang deadline ni Trump sa Biyernes para sa Russia na pumayag sa isang tigil-putukan sa Ukraine o humarap sa panibagong mga parusa.
Sinabi rin ng White House na nagpahayag ang Russia ng kagustuhang makipagkita sa Pangulo ng US at bukas umano si Trump sa pakikipagpulong kina Pangulong Putin at Pangulong Zelensky.