DAGUPAN CITY- Isang tagumpay para sa United Filipino Seafarers ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Magna Carta of Filipino Seafarers.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Judy Domingo, Presidente ng naturang grupo, kung tutuusin ay long-over due na ito dahil matagal na itong pinagdidiskusyonan ng iba’t ibang organisasyon at maritime stakeholders.
Aniya, malaki naman ang kanilang tiwala na magagampanan ang nasabing batas para sa ikabubuti ng mga Pilipinong seafarer dahil nakalinya umano ito sa “minimum standard of labor.”
Kabilang na dito ang mas mapapagtibay na proteksyon para sa mga manlalayag at mas maiaangat ang kontrata nila.
Gayunpaman, patuloy na pinag-uusapan kung kabilang sa kanilang benepisyo na masasagot ang matatamong sugat o injury sa loob o labas man ng trabaho.
Matagal nang ginawang “work related” lang ang pasok sa sasagutin dahil inaabuso lamang ito dati.
Samantala, pinabulaanan ni Domingo na isang anti-seaman ang nasabing batas dahil itinataas nito ang proteksyon ng mga seafarer mula sa mga ambulant spacers.
Pinaalala naman niya na bukas ang kanilang tanggapan para tumulong sa mga Pilipinong seafers.