DAGUPAN CITY- Dapat na busisiing mabuti ang mga bibilhing mga school supplies para sa nalalapit na pasukan, lalo na at ang ilan sa mga ito ay maaaring nagtatagkay ng mga nakalalasong kemikal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tony Dizon, campaigner ng Ban Toxics, sinabi nitong target ng kanilang grupo ngayon ang mga pampublikong pamilihan matapos nilang matuklasan na may ilang school supplies na may taglay na lead content na mapanganib sa kalusugan ng mga bata.

Aniya, mataas ang posibilidad na ma-expose ang mga bata sa nakalalasong kemikal dahil araw-araw nila itong ginagamit.

--Ads--

Karamihan din sa mga produktong ito ay walang tamang label at kulang sa safety markings na itinakda ng Department of Trade and Industry (DTI).

Dagdag pa niya, hindi dapat presyo lang ang batayan ng mga magulang sa pagbili ng school supplies kundi pati ang label, kalidad, at kaligtasan ng produkto.

Kabilang sa mga isinailalim nila sa “test buy” ay mga crayola, lapis, bag, lunchbox, pencil case, at bottled containers.

Ilalabas ang resulta ng pagsusuri sa mga darating na araw bilang gabay sa mga mamimili.