Maaaring pumasok sa impeachable offense ang naging hakbang ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagpapaaresto nito kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst, maaaring gumawa ng argumento na puwedeng ipasok na impeachable offence ang disisyon ng pangulo.

Gayunman, paliwanag nito na ang impeachment ay hindi legal action na puwedeng magfile ng reklamo sa korte o fiscal.

--Ads--

Hindi ito kasimple at hindi otomatikong magkakaroon ng impeachment proceedings.

Hindi inaalis ng political analyst ang posibilidad na mangyari ito lalo na kung sinusuportahan ito majority ng mga supporters ni Duterte.

Sinabi ni Yusingco na ang pagpayag ni pangulong Marcos na ICC na ang lumitis sa mga kaso ni Duterte dahil hindi kaya ng justice system ng bansa ay puwedeng betrayal of public trust.

Ito aniya ay taliwas sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang pangulo ng bansa.