Naniniwala ang isang kilalang political analyst dito sa lalawigan ng Pangasinan na isang ‘Politics of Accomodation’ ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng term sharing.

Una rito, inihayag ng punong ehekutibo na na tuloy ang term-sharing sa pagka-speaker sa pagitan nina Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.

Ayon kay Prof Mark Baliton, kilalang political analyst dito sa probinsya, malinaw umano na ayaw ni Pangulong Duterte na ma-offend o makasakit sa dalawang nabanggit na opisyal kung kaya’t pumayag na lamang ito sa ideya ng ‘term-sharing’.

--Ads--

Kitang kita din umano ayon kay Baliton na ayaw ng pangulong pumili sa kanyang dalawang tinaguriang ‘ally’ dahilan upang magdesisyon itong i-accomodate na lamang sila.