Pinabulaanan ng suspek na Barangay Kagawad ng Matulong, Manaoag ang paratang na pambubugbog sa 19-anyos na binatang lalaki na sanhi umano ng kaniyang pagkakasawi sa boundery ng naturang lugar at Barangay Leet, sa bayan ng Sta. Barbara.
Saad ng kapatid ng biktimang si Isagani Ilagan ay kasama umano nito ang kaniyang kaibigan pauwi lulan ng motorsiklo nang kanilang mabangga ang barandilyas sa kalsada na siyang dahilan ng pagsita sa kanila ni Barangay Kagawad Roden Padilla.
Itinanggi naman ng Kagawad ang mga akusasyon laban sa kaniya at sinabing hindi niya iyon magagawa sapagkat paralisado aniya ang isa niyang kamay.
Giit pa nito na tinangay umano ng biktima ang kaniyang tricycle dahilan ng kaniyang paghabol dito.
Na siyang idiniin ng kaanak ng binatilyo na hindi niya ito magagawa dahil may dala itong motorsiklo.
Nais naman isailalim ng pamilya nito ang kaniyang labi sa autopsy upang matukoy ang tunay na sanhi ng kaniyang pagkakasawi.
Kasalukuyan namang nagpapagaling ang kaibigan ni Isagani sa ospital.