DAGUPAN CITY- Maaaring maghatid ng mas maswerteng buhay ang Year of Wooden Snake sa Taong 2025.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Master Hanz Cua, Feng Shui Expert, ito ay isang Yin Wood na tila isang “vines” na parating kumakapit at madaling mag-adopt sa pagbabago.

Aniya, ang zodiac na “snake” naman ay sumisimbolo ng apoy na kinakailangan ng “wood” para mas lumakas.

--Ads--

Kaya ang mga ipinanganak sa Year of the Snake ay magiging maganda ang takbo ng career.

Gayunpaman, hindi ito nangangahulugang mapapadali ang swerte dahil may kalakip itong enerhiya ng trahedya o problema.

Maliban pa riyan, katangian din ng “snake” ang pagtataksil lalo na’t ang 2024 ay ang Year ng “screenshot”.

Apektado aniya rito ang mga pinanganak ng Year of the Rat dahil magiging malapit ito sa scamming. Gayundin sa Year of the Pig na may hatid na kamalasan para sa taon 2025.

Habang kabilang naman sa seswertehin ang Year of the Ox dahil magiging malapit sa tagumpay at pera ngunit, kinakailangan pa rin ang pag-iingat dahil sa scamming.

Magiging magandang takbo rin ng mga ipinangakan ng Year of the Monkey para sa business passion at career growth. Maging sa Year of the Dog ay aapaw ang swerte sa negosyo.

Habang maganda ang takbo sa buhay pag-ibig para sa mga Year of the Rooster.

Bukod diyan, sinabi niya na ang lucky color sa 2025 ay Gold.

Samantala, sinabi rin ni Cua na para sa susunod na taon ay taon na mag-eexcel ang mga business o career na may kaugnayan sa teknolohiya, elektrisidad, enerhiya, at mga applications.

Kaugnay nito, nakikita niya na magkakaroon ng pagpapabuti sa ekonomiya ng bansa para sa susunod na taon.

Subalit, pagdating naman sa kalamidad at trahedya, asahan din ito lalo na ang mga gawang tao.