DAGUPAN CITY- Binigyan linaw ni Benjo Basas, Chairman ng Teacher’s Dignity Coalition, na hindi kinakailangan na tuwing sabado kailangan pumunta ng mga guro at estudyante kaugnay sa posibleng transition sa pagbabalik sa Hunyo ang simula ng school calendar.
Sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, sinabi niyang asynchronous classes ang magiging set up para sa nasabing saturday classes kung ito ay sakaling maipatupad.
Sinabi pa ni Basas na maaaring bilang ang araw ng sabado na papasukan ng mga estudyante at guro.
Naglabas kase ng komento ang magulang ng mga estudyante at maging mga guro kaugnay sa suliranin kanilang makakaharap kung ito ay matuloy.
Sa kabilang dako, binigyan linaw din ni Basas na responsibilidad ng gobyerno na sagutin ang gastusin ng mga pampublikong paaralan sa mga gagamitin sa darating na seremonya ng pagtatapos ng mga estudyante.
Subalit, hindi rin maikakailang kinakapos din ng budget minsan ang mgaa eskwelahan.
Gayunpaman, mismong mga magulang din ang nagboboluntaryong mamahagi ng tulong pinansyal sa eskwelahan.