“We are just tolerated but not totally accepted.”
Yan ang binigyang diin ni Anne Marie Trinidad Presidente ng LGBTQIA+ Urdaneta City kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month ngayong buwan.
Aniya na hindi pa sila ganoon katanggap sa lipunan at nakikilala lamang sila kapag kailangan ng magpapasaya o magpapaaliw.
Lalo na sa sa entertainment kung saan sila ang laging tinatawag.
Bagama’t ay nakakalungkot dahil sa ganoong paraan sila nakikilala kaya’t nananawagan siya na sana ay maipasa na ang SOGIESC bill sa bansa upang tiyakin ang pantay na karapatan at proteksyon para sa lahat ng mamamayan, kabilang ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Sa bansa ay mayroong tatlong lugar na mayroong anti-discrimination ordinance kabilang na ang Quezon City, Cebu City at Aklan kaya’t umaaasa siya na ang gayundin sana sa lalawigan.
Samantala, sa usaping HIV naman aniya ay hindi ito sakit bagkus ay isang kondisyon at hindi LGBT ang primary source ng pagkakahawa nito.
Ang HIV ay walang pinipiling gender, status o ano pa man kaya’t mainam na magkaroon ng kamalayan at kaalaman ang publiko hinggil dito.