Dagupan City – Target na makakuha na ng plebesito ang isinusulong na pagpasa ng People’s Initiative sa kongreso sa susunod na State of the Nation Address (SONA) ng pangulo.

Ito ang naging pahayag ni Act Teachers Partylist France Castro nang tanungin ito patungkol sa kung bakit lumalabas na minamadali ang pagsulong People’s Initiative sa kongreso.

Aniya, lumalabas kasi ngayon na may mga napapaulat na nagpapatigil ng pirma at naglalabas ng mga form gaya na lamang ng kagawaran ng Commission on Election patungkol sa pagbawi ng pirma ng publiko.

--Ads--

Nakakabahala aniya ito, dahil bakit isinasabay rin ang paglabas ng mga forms sa naging payout kamakailan ng programa ng pamahalaan.
Samantala, nauna nang sinabi ni Castro na hindi ito naniniwala sa inilabas ng kongreso na nasa 12% na ang bilang ng mga sumang-ayon sa People’s Initiative, dahil karamihan sa publiko ay wala pang masiyadong kaalaman sa usaping Charter Change.