DAGUPAN CITY- Pinagtibay pa ng Korte Suprema ang pagpapawalang bisa ng isang kasal dahil sa sobrang pagiging controlling at demanding ng asawang babae.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Abril, legal consultant, aniya, ang pagpapatibay ng Korte Suprema ay nakabatay sa “psychological incapacity” na nakakaapekto sa pamumuhay bilang mag-asawa.
Aniya, istriktong nakasaad sa batas na magiging epektibo ito kung incurable ang kondisyon nito.
Parehong pinagbabatayan din umano ito ng Simbahang Katoliko upang mapawalang bisa ang isang kasal.
Gayunpaman, case to case basis umano ito at tipikal lamang na sinusuri ng mga eksperto ang kondisyon upang magkaroon ng
Binigyan linaw naman ni Atty. Abril na hindi ito katulad ng annullment na nagpapawalang bisa ng kasal dahil sa problema sa consent, katulad na rito ang sapilitang pagpayag sa pagpapakasal.
Nagpaalala naman siya na iwasan i-post sa social media o ipagkalat ang anumang isyu at dapat sumunod sa legal na proseso, lalo na sa pagsasagawa ng psychological assessment.
Sa gagawing pagsusuri, parehong sasailalim ang nagbibintang at pinagbibintangan.
Ang lalabas na resulta ang pagbabatayan naman ng korte sa kanilang desisyon.
Samantala, nagpaalala si Atty. Abril na ang pagpapakasal ay isang mabigat na desisyon na kinakailangan ng matibay na commitment.
Kaya aniya, mabuting suriin mabuti ang nobyo/nobya habang hindi pa nagpapakasal.









