Ang pagpapautang ng mga biktima ang isa sa mga tinitignang motibo sa pananaga at pagpatay sa maglive-in partner sa Brgy Guesang, sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Ayon kay Pol Lt. Col. Jun Wacnag ang hepe ng Mangaldan PNP kinilala ang mga biktima na sina Wilfredo Cuison 56 anyos at Francisca Yden, 56 anyos na parehong residente ng naturang lugar.
Natagpuan na lamang umano ng kanilang anak ang nakahandusay na katawan ng mag live-in partner kung saan parehong may taga sa ulo ang mga biktima na sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.
Hindi pa natutukoy sa ngayon ng mga kapulisan ang motibo sa pagpatay sa mga biktima at ang tanging tinitignang dahilan sa ngayon ay ang pagpapautang ng mga ito.
Dagdag pa dito ay iniimbestigahan na rin kung may mga nanakaw sakanilang mga kagamitan.
Sa ngayon ay nagkaroon ng follow up investigation sa insidente at hinihintay pa ang mga kamag anak ng mga biktima upang makakuha pa ng karagdagang impormasyon at matukoy ang suspek.
Nanawagan naman ang opisyal na kung may nakakita sa insidente ay ireport ito kaagad sa kapulisan upang matulungan ang pamilya ng mga biktima.