DAGUPAN CITY- Dapat na tutukan ang pagpapa-unlad ng Panitikang Pilipino dahil sa pag-usad ng panahon ay nagbabago ang ilang mga nakagawian sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Angelica Ellazar, Senior Language Researcher ng Komisyon ng Wikang Filipino, isa sa mga tinitingnan ng kanilang opisina ay kung paano pa mahihikaya ang mga kabataan na tangkilikin ang sariling atin.
Aniya, mahalaga ang panitikan dahil ito ay suimasalamin sa kultura ng Pilipino.
--Ads--
Nagbabago din aniya ang panahon at kailangang mag-adjust ang mga prvider tulad ng pubications at mag-evolve upang magbigay ng angkop na pangangailangan.
Isang hamon pa rin sa panahon kung paano mahihikayat ang mga bata o mga tao upang maging engaged o tangkilikin ito.