DAGUPAN CITY- Isang magandang inisyatiba mula sa pamahalaan sa lalawigan ng Pangasinan ang pagpapatupad ng pagsusuot ng refelctorize vest para sa kaligtasan ng mga motorista.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ramon Ramos, Presidente ng Urdaneta City TODA, malaki ang maitutulong nito lalo na sa tuwing gabi upang makaiwas sa mga aksidente.

Magbibigay umano ito ng magandang visualization para sa mga bumabyahe ng gabi.

--Ads--

At dahil dito, marami na din ang nagsusuot nito at naglalagay din ng reflective stickers sa kanilang mga motor at maging sa sidecar.

Naniniwala si Ramos na dapat noong umpisa pa lamang ay nagkaroon na ng pagmulta para sa mga lalabag sa batas upang mapagtanto na agad ng mga motorista at siklista ang kanilang kaligtasan.

Samantala, hinihikayat niya ang mga kapwa nito motorista at cyclist na bumili na ng reflective vest dahil mura lamang ito kumpara sa gastusin na kanilang matatamo kapag sila ay naaksidente.

Maaari din aniyang magpasadya o personal na magpagawa kung saan ang ilan ay nagpapalagay din ng pangalan para may identipikasyon ito subalit, mas mataas lamang ang presyo nito.

Ikinatutuwa din ni Ramos ang hindi pananamantala ng mga nagbebenta nito dahil ibinebenta din nila ito sa patas na presyo.