Pinag aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng P50 kada kilo na price ceiling sa imported na bigas dahil ang global tensions ay nagresulta sa pagtaas ng gastos sa pagpapadala at sa mga pangangailangan sa pagsasaka.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang P50 kada kilo na cap sa imported na bigas rice ay magpapanatili sa makatuwirang retail prices nang hindi naaapektuhan ang farmgate price ng palay.
Aniya, tinitingnan ng DA ang legalidad ng pagpapatupad ng price ceiling at kung pinapayagan ng batas, irerekomenda ito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bahagi ng mga hakbang ng gobyerno upang tugunan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.
Nagbabala ang DA chief na ang maagang pagpapatupad ng kontrol sa presyo ay maaaring magdulot ng pagbagsak ng presyo sa panahong tinatamasa ng mga Pilipinong magsasaka ang mas mataas na presyo ng palay sa kasalukuyang harvest cycle.
Ramdam na umano ang epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan sa pag-angkat ng bigas.
Dagdag pa niya na dumoble na ang freight rates, na nagtulak sa landed cost ng malawakang inaangkat na DT8 variety na umabot na sa halos $500 bawat metriko tonelada.
Samantala, sinabi ng kalihim na ang retail prices na P60 hanggang P65 bawat kilo na iniulat sa ilang pamilihan ay malapit nang maituring na profiteering.
Ipinag utos na ng ahensya ang mga state-run firm tulad ng Food Terminal Inc. at Planters Products Inc. na ibenta ang bigas sa P45 at P48 kada kilo.
Nagsimula na silang magbenta sa Metro Manila at maaaring palawakin ito sa Southern Luzon, Cebu ar iba pang mga pangunahing lungsod.










